Fixing a broken heart

By Kikaydhez - 01:07:00

-          Fixing a broken heart – akda ni: Dhez Eugenio

• Ikaw ba yung taong ilang beses na nasaktan dahil sa pag-ibig na yan.
• Ikaw ba yung taong kahit anong gawin mo di ka niya kayang mahalin.
• Ikaw ba yung taong minahal ka pero hindi mo masuklian ang pag-mamahal na binibigay niya sa’yo.
• Ikaw ba yung taong napikot lang
• Ikaw ba yung taong ginamit/nagpagamit
• Ikaw ba yung taong pinakasalan dahil lang sa fix marriage/napilitan dahil buntis kana
• Ikaw ba yung taong nabuntisan at di pinanagutan ng siraulong tatay ng dinadala mo
• Ikaw ba yung taong hate na hate mo siya dahil sobrang hambog niya.
• Ikaw ba yung taong deadma lang.
• Ikaw ba yung taong seenzoned
• Ikaw ba yung taong na friendzoned
• Ikaw ba yung taong selfish
• Ikaw ba yung taong mahilig mangolekta lang ng gf/bf
• Ikaw yung mahilig magpaasa
• Ikaw ba yung magaling mambola
• Ikaw ba yung mahilig mang-iwan

At kung isa ka sa mga ito let’s fix your broken heart.

1.      Una paano ka ba makakamove-on?
-          Gawin mong simple lang ang buhay mo, huwag ka maging bitter. Huwag kang gagaya sa akin haha nagging bitter ayun antagal bago makamove-on. Ayan natutunan ko, dahil habang tumatagal ang pagiging bitter mo mas lalo mo pinapahirapan ang sarili mo, mas lalo mo siyang namimiss, yung dating routine niyong dalawa kung dati palagi ka niya tinetext kinukumusta, tinatawagan tapos sa isang iglap nawala lang ang lahat dahil sa iba na niya ito nagagawa. Let it go.
-          Huwag maging spy/stalker. Kung friend mo siya sa fb,Instagram at twitter tapos palagi mong binibisita ang timeline niya naku kuya ate masasaktan ka lang. Bakit? Kasi makikita mong masaya na siya sa piling ng iba. Oh sinong talo ikaw di ba? (Huwag ka ulit gagaya sa akin na sa bawat bukas ko ng social apps ayun panay naman ang pagbisita ko sa off limits na yan. Sinabi ko na nga na off-limits pero di nakinig sa utak sa puso pa din siya nakinig.)
-          Maging busy sa mga bagay-bagay. Magkaroon ka ng paglilibang sa sarili hindi yung sa kanya lang nakatuon gagawin mo lang miserable ang buhay mo. Ano yun dahil sa iniwan ka, dahil sa hindi ka na mahal, dahil sa sumama sa iba eh hindi ka na kakain? Iiyak ka lang ng iiyak? Magmumukmok ka lang sa sulok? Kukunin moa ng blade tapos maglalaslas ka na? Hello? Hindi lang siya ang babae/lalake sa mukha uyy!!! Madami diyan Yun nga lang yung ibang lalake ang hanap kapwa lalake, kung babae naman kapwa babae.
-          Maging active ang social life. Kung dati di ka masyado sumasama sa mga friends mo dahil nga ang palagi mong kasama ay ang bf mo na ngayon ay EX mo na. Mas maganda ang madaming friends malay mo makilala mo na siya. Pero ingat ka lang kasi ngayon ginagamit ang mga social apps para mambiktima. Andiyan ang budol-budol, rapist, kaya ingat po tayo.

2.      Paano ba makakahanap ng forever?
-          Wala ngang forever. Huwag ka maniniwala sa forever ang lahat ay may katapusan, kung ang buhay nga ng tao ay may hangganan eh. (In my own opinion lang po ito, kaya wag ka mambabash kasi may sari-sarili tayong pananaw.) Hindi naman ako bitter. Nakamove-on na ako noh! Hindi ko pa lang nahahanap si forever kaya sinasabi kong walang forever. Ang ALDUB kasi yun ang tunay na forever meant to be pa nga eh. Well ganyan talaga ang buhay. Kaya dapat di tayo maging sad. In God’s will ibibigay naman niya yung taong para sa iyo. God has a purpose in our life especially when it comes to love. Sa ngayon hanggang wala pa si forever mo si Lord na muna ang unahin mo. At mahahanap moa ng forever mo sa tamang panahon.

3.      Paano mo ba maiiwasan na masaktan?
-          Hindi po natin maiiwasan na masaktan. Kung masaktan man tayo muli at kahit ilan beses pa tayong masaktan kailangan natin magpakatatag. Dahil sa tuwing nagpapakatatag tayo lumalaban di sumusuko napapatunayan na natin na kaya natin lampasan ang lahat ng pagsubok.

4.      Paano ka pa ba magtitiwala sa taong sinira ang tiwala mo sa kanya?
-          Ang hirap nga naman kasi magtiwala muli. Pero kung mahal mo ang isang taong tanggap mo ang pagkakamali niya. (Actually sarili kong tanong yan nahirapan din akong sagutin haha)


5.      Ano ang mas maganda na style na panliligaw yung old or yung new generation?
-          Old style pa din. Kasi mas kilig yun di ba? Pupunta sa bahay niyo, may harana, may permission sa magulang ng babae legal kayo. Unlike sa chat,text mo lang nakilala tapos doon ka lang niligawan, may kilig factor din kaso di mo lang alam kung totoo sinasabi niya sa iyo. Di moa lam may asawa nap ala siya. Di ikaw pa nagging kabit. (Parang ALDUB lang hahaha hindi naman halatang maka-aldub noh? Oppsss…. No offense wala ako ibig sabihin. Bashers go away.)

6.      Paano maaayos ang pusong wasak?
-          Ang hirap naman ng tanong mo yung sarili ko ngang puso naghihilom pa rin eh. Kahit na 3 years na ang nakalipas. OO 3 years tagal noh? Ang hirap kasi ayusin kung ung laman ng puso mo siya lang talaga nag-iisa. Ang hirap nun. Yung tipong sa kanya lang umiikot mundo mo tapos siya din pala wawasak sa mundong iyon. Siguro maaayos naman matagal nga lang at kung may darating na mas better pa sa EX mo. Na magpapheal sa sugat mo. Edi WOW yun!

7.      Sa fix marriage agree ka ba?
-          Hindi. Kasi hindi mo naman tunay na mahal yung taong papakasalan mo eh. Di moa lam ang tungkol sa kanya. Hindi moa lam ang tunay na ugali niya. Pinakasalan ka lang dahil sa family business ek-ek ng pamilya niyo tulad nalang sa mga nababasa ko sa wattpad puro ganun ang story fix marriage ang involve. O kaya kailangan kasi para magkagreen card ka tulad nalang nila Leah at Clark. Pero simula nga nung nakakabasa na ako sa wattpad sa napanood ko sa OTWOL parang may advantage din pala. Lalo na kung si Clack mismo ang makikilala mo at mapapakasalan mo. Oo sagrado nga ang kasal para sa dalawang taong nagmamahalan. Pero maaari ding maging tunay na pag-ibig ang lahat kapag tunay na nagmamahal na kayo. Ang sweet kaya ng ganun. Ang sarap ilagay sa scrapbook with pictures kung saan kayo nagsimulang nagkakilala, nagkita, first date, etc. Yun din ang gusto ko kasing gawin. Scrapbook ng story namin.

Di ba pwedeng mahal mo at mahal ka rin niya para masaya ang buhay. ~ sa Tamang Panahon.


May iba ka pa bang katanungan? Maaari mo nang icomment sa ibaba. Salamat.
No BASHERS! NO NEGATIVE COMMENT!
LET'S SPREAD GOOD VIBES ONLY!



  • Share:

You Might Also Like

0 comments